A Baccalaureate Mass was offered for the graduates of Far Eastern University at around 6 o’clock in the evening at the school’s quadrangle.


Di ko na alam ang sasabihin ko bukod sa na-starstruck ako kay Cardinal Tagle. Nakalapit na sa kanya, nakapagbless pa! Hihihi. Special thanks to Ate Kaori, kundi dahil sa kanya, hindi kami makakapagbless kay Father. :) :) :)

Photo credits to Marvin Eugenio! :)
Had a vivid dream that I was in a cruise with the whole fam and Lolo was there with us. I was looking around the cruise and I found this really pretty blue and white room with a white drawer. As soon as I opened this compact mirror I found in the drawer, Lolo appeared out of nowhere. When I looked around, he was already leading the way to the atrium. As soon as I got there, I told everybody that I saw Lolo and few blinks after, I saw him sitting next to Thea. He was hugging her and Thea felt really cold and knew it was Lolo. He was laughing because Thea saw him and then Lolo asked how she’s been. It’s like our fam’s just having a normal conversation with him because Lolo was asking if we missed him, how we’ve been and all that and we were really relaxed like he’s there with us, literally alive. And then he drifted towards my mom and held her hand and asked her if she missed her father. Then after that, I woke up. ;A; It was a nice dream. Thanks for the visit, Lolo James! You’re in my thoughts and prayers. I miss you.
August 24, 2012, Friday: Every Friday kasi last semester, meron kaming 3 hours na vacant. Pero kung wala kaming prof sa first subject na major namin, patay, 6 hours ‘yung vacant namin. Hahaha! Eh nagkataong wala kaming IATh nun, so 6 hours ‘yung vacant. Nagkayayaan kami ng barkada na magpunta sa apartment ni Yvette, kasi kaysa naman sa mapagastos nanaman kami, dun na lang kami magstay. Bukod sa makakatipid na, makakapagpahinga pa. :)
Next class is at 6:00 pm, kaya bumalik na kami sa school ng mga 5:30 pm. Info Aud Class naman ‘yun. Favorite namin ‘yung prof namin na ‘yun, kasi bukod sa bata siya, eh sobrang kasundo talaga namin siya :) Dati pa lang, siguro July, nacucurious ‘yung prof namin sa kung anong meron sa amin ni Marvin. Kasi may mga nakikita daw siyang mga posts sa group namin na inaasar kaming dalawa. (Nandun sa group ng section namin ‘yung prof namin kasi dun siya nag-uupload ng mga PPT Presentations para sa mga lectures namin). So, ayun. Tinanong ni Ma’am Mia kung gaano katagal na kami ni Marvin and my friends said, “Nung first year pa po, Ma’am!” Tapos hanggang sa napunta na ‘yung usapan sa birthday ko, kasi birthday ko kinabukasan. Tinanong ako ng professor namin kung sinong mas matanda sa amin ni Marvin, pero itong si Mrvn, umeksena ba naman, tas sinabi, “Mas matanda po siya sakin Ma’am, pero mas mahal ko siya! :)”
Weh. Hahahahahaha. Wala lang, ‘yun na ‘yon. Dami ko lang kasing naaalala pag nagba-blog ako, kaya kung anong maisip ko, ita-type ko na dito. Kesa naman sa makalimutan ko ng tuluyan, sayang naman. Hahaha.

October 15, 2012: Nag-apply ako as an Academic Tutor sa Brain Plus Review Center (review center na pinagreviewhan ko for UPCAT 2009) through the help of Sir DJ para na rin makatulong sa Mama ko kahit papaano, kasi Sem Break, nakatunganga lang sa bahay palagi. Kaysa naman sa ganun, eh mas gusto ko na ‘yung may pagkaabalahan na rin and at the same time, makatulong. Sobrang saya naman nung araw na ‘yun, kasi natanggap ako agad :) First day kong nagturo nung October 17, tapos sunud-sunod na. :) Nung una, masaya akong nagtuturo kasi iniisip ko, may income ako. Pero habang lumilipas ‘yung mga araw na nagturo ako last month, ‘yung saya na nararamdaman ko nang dahil sa may income ako, eh napapalitan ng saya dahil marami akong bagong taong nakilala. Di lang ‘yung mga co-tutors ko, pero pati na rin ‘yung mga naging students ko. Sobrang masaya lang sa pakiramdam na nagtuturo ka, kasi bukod sa may experience ka na, may natututunan sa’yo ‘yung mga estudyante mo eh, marami ka ring natututunang mga lessons mula sa kanila. :)
Yung kahit kailan, hindi mo naramdaman na ikaw lang mag-isa yung lumalaban. Hindi mo kaillanman naramdaman na hindi mo na kaya dahil andyan sya para sayo, na may karamay ka at kakampi sa lahat ng oras. Na kahit talikuran ka ng isang daang tao, may isang tao na lalaban kasama ka. At sa mga oras na tanging pag-iyak nalang ang magagawa mo, yayakapin ka niya ng mahigpit at ipaparamdam sa’yo na hindi ka niya iiwan. Hahawakan niya ang iyong pisngi, pupunasan ang luha sa mga mata mo sabay sabi sa’yo na tahan na, hindi siya mawawala sa’yo. Ipagmamalaki ka niya sa lahat ng tao kung gaano siya kaswerte na ikaw ang girlfriend niya at kung gaano siya kaswerte na siya ang pinili mong mahalin. Dahan-dahan niyang hahawiin ang buhok mong nakatakip sa mukha mo, titignan ka niya sa mata, at ipaparamdam niya sa’yo na ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo. Ipapaalala niya sa’yo araw-araw ang mga pangako niya na ikaw lang ang mamahalin niya at wala nang iba pa at hindi niya ito kakalimutan. Sabay kayong tutupad sa mga pangarap niyo. Sa bawat “I love you”, bawat pag-aalala, at bawat paglalambing niya sa’yo, ramdam mo kung gaano ka niya kamahal. Sa araw-araw na lumilipas, araw-araw ka rin niyang liligawan. Papakiligin ka pa rin niya gaya ng dati kahit pa nakuha ka na niya. At sa tagal ng pagsasama niyo, ay ang pagtibay lalo ng pagmamahalan niyo. Hindi niya kakayanin ang makita kang nahihirapan at nasasaktan. Papawiin nya ang lahat ng sakit. Higit sa lahat, hindi ka niya iiwan. Aalagaan ka niya at hindi siya magsasawa na iparamdam at sabihin sa’yo na ikaw ang nais niyang makapiling sa habambuhay. At kapag dumating ‘yung araw na pareho nang puti ang buhok ninyong dalawa, ikukwento ninyo sa mga apo niyo ang lovestory niyo, sabay kayong kililigin, sabay niyong gugunitain ang inyong nakalipas, sabay ninyong tatawanan ang panahong nakalipas. Na kahit sa pagtanda ninyo, baon niyo ang inyong pinagsamahan na nabuo at hindi nasira makalipas ang ilang mga taon.
…………pero mayroong relasyon na karapat-dapat ipaglaban.
Oo, lahat ng relasyon mayroong tampuhan, hindi pagkakaunawaan, pagkakaiba, problema, pagsubok, pagbabago, away, selos, hinala, pagdududa, kakulangan sa komunikasyon, pride, lungkot, sakit, luha, at marami pang iba. Normal lang yan. Dahil kung wala ang lahat ng ito, hindi mo ito matatawag na relasyon. Dahil kung wala ang lahat ng ito, hindi mo masasabing nagmamahalan talaga kayong dalawa. Lahat naman ng relasyon dumadaan sa matinding iyakan at matinding bangayan, diba? Pero kung mananaig naman ang pagmamahalan, panigurado ito’y tiyak na pang-matagalan. Ang mahalaga naman parati ay mahal nyo parin ang isa’t-isa nang mas higit pa sa dati pagkatapos ng matinding selosan at awayan ninyo. Yung tipong, pagkatapos nito, tapos na. Humingi na ng pasensya ang isa, at nagpatawad naman yung isa. Ang mahalaga ay yung natuto kayong dalawa.Yung tipong, hindi magiging dahilan ang away ninyo para bumagsak kayong dalawa pababa bagkus maging silbi sana ito bilang lakas ninyong dalawa para maging matatag pa.
Minsan ka lang makakahanap ng isang taong kaya kang ipaglaban hanggang sa dulo at handang gawin lahat para makasama ka sa habang-buhay. Kaya kung nahanap mo na yung taong yun, ‘wag na ‘wag mo na syang pakakawalan, dahil minsan ka lang din bibigyan ng pagkakataon na magmahal at mahalin din pabalik. Love is love. It will always be a beautiful thing worth cherishing.
Immature love says: “Gusto ko araw-gabi tayo ang magkasama. Gawin mo lahat para magkasama lang tayo. Sakin lang dapat oras mo, ayokong may kahati ako sayo. ‘Wag ka na umuwi, dito ka nalang. ‘Pag hindi mo ako pinuntahan ngayon, hindi mo na ako mahal. ‘Wag ka na pumasok, para buong araw tayo magkasama. Dapat ganito ka, dapat ganyan ka…”
However, mature love says: “Kahit hindi tayo magkasama, ikaw ang iniisip ko. Kahit hindi tayo magkasama, ikaw lang ang mahal ko. Magbigay ka ng oras sa mga kaibigan mo, may tiwala ako. Tara, uwi na tayo, nag-aalala yung mga tao sa bahay nyo. Hihintayin ko yung araw na magkakasama uli tayo, hindi ako maiinip. Pumasok ka, para sa future nating dalawa yan. Kahit ganito ka, kahit ganyan ka… Mahal kita.”
Jealousy doesn’t always mean doubts and/or lack of trust. People naturally feel this. ’Yung tipong kahit isipin mo na, “Wala lang yan. Sus”, sa dibdib mo sobrang bigat na sa pakiramdam. Kahit naman alam mo na hindi ka n’ya ipagpapalit sa iba, andun pa rin ‘yung takot at selos na hinding-hindi mawawala.
Actually, girls are more jealous than guys. Obviously kasi, women are naturally more expressive of her feelings than men. Atsaka, from what I learned in school, a huge part of a girl’s brain is the NEED FOR COMMITMENT HEMISPHERE where once they commit to the opposite sex, they think that they will marry him in the future and of course, JEALOUSY which is well, jealousy. That explains everything. Guys seldom get jealous. As in, once in a blue moon ‘yan maliban nalang kung talagang lagi s’yang may dapat ipagselos. Kaya let’s admit it. It’s cute when they get jealous. Yung tatahimik-tahimik lang sila pero yun pala, nagseselos na. ‘Yung inaasar-asar ka pa kunyari, yun pala nasasaktan na. Ang sarap sa pakiramdam na takot sya na maagaw ng iba ‘yung atensyon mo, na gusto nya sa kanya ka lang. Mas okay na rin ‘yung nagseselos paminsan-minsan, kesa hindi talaga. Diba? :)
To make this long post short, jealousy simply means love. Ika nga nila, ang selos ay isa lamang katibayan na sagad sa buto ang pagmamahal ng isang tao. :)
Isn’t it funny to think that the last time I met Marvin, I was only seventeen years old and so is he? Now, I just turned nineteen and he, too, will be turning nineteen this September. Whenever I think about it, I can’t help but smile and be surprised that we are already growing maturely as we grow old together. Ang cute lang isipin na, “Uy, ang bata pa pala namin noon.” Tapos ngayon, ang tanda na pala namin. Sobrang masarap sa pakiramdam na habang nadadagdagan yung edad mo e, kasama mo ang mahal mo. Di ba? :)
Ito ‘yung time na matagal ko nang ipinagpepray kay Lord simula nung summer. I feel soooo blessed knowing that God has answered my prayers. :’)
July 17, 2012, Tuesday. I really didn’t have an idea as to what Marvin was planning to do. Kasi, alam niyo ‘yung feeling na sobrang iniiwasan ko na siya nung mga panahong ‘yun kasi gusto kong makapagmove on na? ‘Yun ‘yung mga panahong hindi ko na maintindihan ‘yung gusto kong mangyari sa buhay ko e. Hahaha.
IT Audit Class (6:00 to 7:30PM) Nasa 3rd row ako, sa 5th row siya. Tinatawag ako ni Moj kasi katabi ni Marvin ‘yun, tsaka si Eli. Tas edi lumingon ako. Tas si Marvin, nakangiti. Tapos, tapos, tapos…
Marvin: Karla, pustiso ka ba?
Karla: Hindi.
M: Ay. Eto na lang. Maganda ka ba?
K: Oo.
M: Ayun oh maganda raw! (Tas tumawa siya. Haha. Di ko alam kung ‘yan talaga ‘yung sinabi niya, pero somewhat ganyan ‘yun, sa pagkakatanda ko. Hehehe)
Tas nakinig na ako sa prof. Tinatawag nila ako pero di na ako lumilingon. Pakipot dapat. BWAHAHAHAHA! :D
Tas yun. Nung uwian, kaming tropa na lang nasa room. Tas si Marvin, bumabanat nanaman ng pick-up lines saken pero promise, binabara ko lang siya. BWAHAHAHA =))
Tas nung nasa pababa ng hagdan.. Nauna si Marvin. Tas nahuhuli kaming mga girls. Tas umakyat uli si Marvin, pasalubong sa lakad ko, pero ako pinipigilan ko talaga ngumiti kasi kinikilig ako. BWAHAHAHAHA Tas nung nasa LRT Station na kami nila Rochie, nagtext si Marvin.. “Wag pigilan ang pag ngiti” Tas di ko nireplyan. Tas nagtext ulit.. “Naambon, magpayong ka.” Tas yon. Nireplyan ko na lang siya nung nasa Cubao na ako and the convo went like this:
Karla: :) (Yan lang nireply ko sa kanya sa mga naunang text niya)
Marvin: Deho. San ka na?
K: Sa puso mo.
M: Alam ko. Nasan ka na?
K: Fx na. Haha.
M: Good. Maganda araw mo ah
K: Yes. Haha. Bait sakin ni Lord e.
M: Chosera. Hahahaha.
K: Onga. Dapat kasi late na late ako ng bongga sa IA kasi di ako ginising ng Papa ko. Pero sabi ko kay Lord, Siya na bahala sakin. Ayun. Pagdating ko sa school, 12:05. Walang prof, bonus pa na mabilig yung biyahe ko.
M: (Nakalimutan ko reply niya sakin dito kasi nasa isang phone e. BWAHAHA)
K: Nakalimutan ko na rin yung sinabi ko sa kanya dito. BWAHAHAHA Pero ganto na ‘yung mga sumunod…
M: Hindi mo ba ako namimiss?
K: Ako, hindi mo namimiss?
M: Namimiss.
K: Bakit mo ko namimiss?
M: Matagal na kitang namimiss. Eng eng.
K: Bakit ngayon mo lang sinabi?
M: Oo. Para pag naramdaman ko na ‘to, hindi na kita mapapakawalan.
(OMG! HUHUHU ANG DAMI KONG KILIG DITO SA TOTOO LANG! HANGGANG NGAYON TULOY KINIKILIG AKO KASI NAALALA KO PA :”> BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! =)))) )
K: Tss. Chosero.
M: Huli na ba ‘tong realizations ko? O sakto lang?
K: Sakto lang..
M: Tinry ko lang mahalin sarili ko. Di ko mabibigay sa’yo deserve mo pag di ako buo.
K: :)
M: Pogi pa ba ako?
K: You’ll always be. :P
M: Weh, totoo? :)
Tas ayun. Hindi ko na lang muna siya nireplyan nun kasi OL naman ako sa Facebook nung time na ‘yun, at ganun din siya. Hinintay ko lang na i-PM niya ako. Hahaha. Pero nag-GM siya nun ng, “Missed you!!!! Goodevening! :) “ Huhuhu. Omg, PBB Teens ok!! :”> Hahahahahaha! =))
Tas ayun.. Nagkachat kami ng matagal bago magsleep, mga 3 hours din siguro. Hahaha. Sooobrang natuwa talaga ako nung time na ‘yun kasi buong akala ko, dinelete na niya nung summer lahat ng pictures namin na naka-upload sa Facebook account niya. Yun pala, HINDI. :) Huhuhu, kinikilig nanaman ako. HAHAHA! LOL, OA! =))
Hanggang ngayon, kinikilig ako pag naaalala ko kung paano siya bumalik sa akin. AN ANSWERED PRAYER, INDEED!! :”> ♥ Sobrang naiyak ako nung time na bago ako matulog nun dahil sa kakathank you ko kay Lord, sooobrang grateful talaga ako dahil hindi Niya ako pinabayaang maging malungkot lang. Gumawa Siya ng paraan para maging masaya ako ulit :)
Hi! I’ve been busy reading books at the moment. Isn’t that great? Hihi. When I first read Memoirs of a Geisha back then, I thought that was the only book I could finish reading. But then, The Best of Me by Nicholas Sparks came. And so, I’ve finished that one, too. And then I’ve read Yakuza Moon: A Gangster’s Daughter next. And now, my eyes are set to 50 Shades of Grey.
I’m not really a total bookworm, but I could sit for a day just reading a good book. And hey! It increases my fluency in English. Hehehe! Books are like my third teacher when it comes to learning English - next to cartoons and foreign movies. And I really do learn a lot. Especially with the types of books I’m interested in. :)